Public charge

Kung may mga katanungan, kausapin ang isang kwalipikadong abogado

Ang mga taga-San Francisco na may mga katanungan tungkol sa “public charge” ay dapat lumapit sa isang kwalipikadong abogado ng imigrasyon. Libre o mura ang mga konsultasyon para sa mga taga-San Francisco.

KAUSAPIN ANG ISANG EKSPERTO

Maaari rin ninyong lapitan ang SF Human Services Agency kapag may mga tanong tungkol sa “public charge” at paggamit ng pampublikong benepisyo.


 

Nitong nakaraang Hulyo 20, 2026, nagpahayag ang Kagawaran ng Homeland Security (DHS) na tatangalin na nila ang kasalukuyang 2022 na mga patakaran para sa “public charge” 

Ang pagbabago ay mag kakabisa sa Setyembre 18, 2026. Ibig sabihin nito ay ang mga aplikasyon para sa mga green card na ginawa at naisampa bago ang nasabing petsa ay ituturing pa rin na napapabilang sa ilalim ng 2022 na patakaran. 

 


Karamihan sa mga imigranteng tumatanggap ng mga pampublikong benepisyo at serbisyo ay hindi apektado ng patakaran sa "public charge".  

Ang patakaran ay maka aapekto para duon sa mga taong nais magtamo ng green card sa pamamagitan ng isang family-based petition o sa pamamagitan ng pagtatrabaho. 

Hindi nito apektado ang mga aplikante para sa green card na kumukuha ng kanilang mga green card sa pamamagitan ng asylum, katayuan bilang refugee, U visa, T visa, VAWA, o Special Immigrant Juvenile Status (SIJS). 

Hindi din nito apektado ang mga taong nag a-apply para sa iba pang mga benepisyo para sa imigrasyon, katulad ng naturalisasyon, DACA, Temporary Protected Status, asylum, o mga work permit. Makipag usap po sa isang dalubhasa. 

Kung sa tingin ninyo ay maaaring gamitin ang mga patakarang ito sa katayuan at kalagayan ninyo, sumangguni sa isang mapagkakatiwalaang dalubhasa na tagapaghatid ng mga serbisyong legal upang makatulong sa pag gawa ang pinakamabuting pagpapasya para sa inyo at inyong pamilya.